Miyerkules, Mayo 9, 2012

TODA member ng QC, binaril, Patay!





PATAY ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng di kilalang lalaki kahapon ng 4:30 ng madaling araw sa Villongco Extension corner Commonwealth Avenue, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Papasada pa lamang ni Ridel Calicar, 32, residente ng Fatima St., Happy lang Subdivision Dona Carmen Brgy.Commonwealth ng naturang lungsod, ang kanyang pampasadang tricycle, na siyang bumubuhay sa kanialng pamilya.

Ayon sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang naturang pampasadang motorsiklo ng bigla lumitaw at pinagbabaril ng dalawang di kilalalng suspek ang biktima.

Nagtamo ng si Calica ng ilang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at likod na bahagi g katawan, na nagresulta sa agaran niyang pagkamatay.

Sa kabilang banda, may anim na basyo ng cartrige ng calibre .45 ang natagpuan sa pinangyarihan ng insidente. Elmar Cundangan & Rochelle Placino (Intern)

#May2012

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento