Huwebes, Mayo 3, 2012

DJ, natagpuang patay sa QC!




KAMPO Karingal – Isang Disc Jockey (DJ) ang natagpuang patay sa loob ng Chibugan at Tambayan ni Tata Criz, isang bahay-aliwan sa Roosevelt corner Del Monte Avenue, Brgy. Damayan, San Francisco Del Monte, Quezon City, noong isang gabi.

Kinilala ang biktimang si Rammy Inigo, na siyang stay-in na DJ sa naturang bar.

Ayon sa saksi na si Danilo Rodriguez, magbubukas na sana siya ng bar nang matagpuan niya ang walang buhay na katawan ng biktima sa loob nito, na agad naman niyang ibinalita and 
insidente sa kanilang barangay, na silang tumawag sa pulis para sa inbestigasyon.

Sa kabilang banda, huling nakita si Inigo bandang alas-4 ng madaling araw kasama ang isa sa mga Guest Relation Officer (GRO) ng naturang bahay-aliwan.

Nagtamo ang biktima ng ilang saksak sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan.

Samantala, patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng mga pulis ukol sa kung sino at ano ang motibo ng pagpaslang. Elmar Cundangan & Rochelle Placino (Intern)

#May2012

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento