Huwebes, Mayo 3, 2012

Lalaki patay sa saksak!


Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin  ng apat na ‘di kilalang kalalakihan sa Cadena de Amor Botanical Garden, Bgy. Central, Quezon City noong Lunes ng alas 8:20 gabi.

Kinilala ang biktima na si Joel Jaba, 30, nakatira sa No. 191 BFD Compound, East Avenue, Bgy. Central, Quezon City.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Jayson Dariquez, naglalakad si Joel ng biglang bumulaga sa kanya ang mga suspek na may hawak na patalim. Hindi pa alam sa kasalukuyan kung ano ang dahilan ng pananaksak sa biktima.

Ayon naman sa ulat ng pinsan ng biktima na si Sofia Hernane, mayroong ‘di kilalang lalaki na duguan ang kamay ang kumatok sa kanilang pintuan at pinagbigay na alam na nasaksak nga at nakahandusay sa nasabing lugar biktima. Agad naman itong humingi ng tulong sa isa pa nilang kaanak.

Samantala, isinugod naman si Jaba sa East Avenue Medical Center. Habang patungo sa nasabing ospital, nabanggit ng biktima na sinaksak siya ng tatlong ‘di kilalang lalaki kasama rito si alyas “Buboy”, na ayon din dito na nasaksak siya ni Buboy dalawang buwan ng nakakalipas.

Hindi na rin nagtagal ang buhay ng biktima habang ginagamot sa naturang ospital. Elmar Cundangan & Rochelle Placino [trainee]

#May2012

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento