Huwebes, Mayo 3, 2012

Maybahay, natagpuang patay sa sarili nitong tahanan!


Isang babae natagpuang patay sa sariling bahay n’ya mismo noong Martes ng alas 3:30 ng hapon sa NIA Road, Bgy. Pinyahan, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Monaliza Panti, 40, nakatira sa A-70 NIA Road, Bgy. Pinyahan, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Quisumbing, natagpuan ni Daya Baflor, testigo, na nakahandusay ang walang buhay na katawan ni Monaliza sa sarili nitong tahanan. Agad namang pinabigay alam ito ni Baflor sa kalapit barangay at inireport ang nsabing insidente sa pulisya.

Samantala, nakita sa imbestigasyon na nagtamo ang katawan ng biktima ng external injuries. Hanggang ngayon ay hindi pa alam ang dahilan ng pagkamatay nito at nasa kamay pa ng pulisya ang nasabing imbestigasyon. Elmar Cundangan & Rochelle Placino [trainee]

#May2012

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento