Miyerkules, Mayo 2, 2012

Construction worker, binaril sa mukha, PATAY!


Patay ang isang Construction worker matapos barilin ng dalawang 'di kilalang suspek sa Payatas Rd.corner Tindalo St., Bgy. Payatas B, Quezon City, bago mananghali ng Miyerkules.


Itinutulak ng biktimang si Reynaldo Indoy, 32, ng 431 Barsilangin St., Bgy. Payatas B ng naturang lungsod, ng motorsiklo nitong naubusan ng gasolina, nang siya'y tambangan.

Ayon sa kasama nito, sina Gilbert Borja at Feliver Acebo, biglang lumitaw ang suspek na may hawak na baril, nang marating nila ang naturang lugar at binaril ang biktima sa batok na tumagos sa kaliwang bahagi ng pisngi ni Indoy, na agad n'yang ikinamatay.

Sa kabilang banda, agad namang tumakbo ang dalawang 'di kilalang suspek palayo sa pinagyarihan ng insidente.

Samantala, natagpuan ang isang balisong sa kanang likod na bulsa ng biktima at isang spent shell ng calibre .45. Nadamay din ang isang nakaparadang truck sa barilan at tinamaan ang harap na windshield nito. 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang motibo ng naturang pagpatay. Elmar Cundangan & Rochelle Placino [trainee]

#May2012

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento