Miyerkules, Mayo 9, 2012

Binatang Insidenteng nadaanan ang Manhole, Nagulungan, Patay!




PATAY ang isang binata matapos magulungan ng trak nang insidenteng magbuwal ang minamanehong motorsiklo sa East Ave. Matalino St. Quezon City, kaninang madaling araw, bandang alas-3.

Kinilala ang biktimang si Ronald Rosales, 21, nagmamaneho ng MIO Sporty motorcycle, resident eng Maligaya St. Bagong Barrio Brgy. 147 Kaloocan City.

Ayon sa imbestigasyon,insidenteng nadaanan ng biktima ang isang manhole sa nasabing lugar, kaya’t nahulog ito palayo sa kanyang motor. Sa kasamaang palad, nasagasaan ng trak, na nasa kaparehong direksyon, ang ulo ng biktima na siyang agad na kinamatay nito.

Kasalukuyang nasa kostodiya ng mga pulis ang driver ng trailer trak, na kinilalang si Rogelio Oquias, nainirahan sa Tigbe Norzagaray, Bulacan, empleyado ng Transmix Builders Inc.

Samantala, ang labi ng biktima ay dinala sa Prime Funeral Parlor sa Commonwealth Ave. near Litex Rd. ng nasabing Lungsod. (Elmar Cundangan & Rochelle Placino)

#May2012

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento