Biyernes, Abril 13, 2012

Sanggol nahulog sa kama, Patay!


PATAY ang isang anim na buwang sanggol matapos umanong mahulog sa kama noong Huwebes ng gabi sa Mauban St., Bgy. Manresa, Quezon City.

Kalunos-lunos ang sinapit ng sanggol na nagngangalang Jasmin De Vera nang malaglag ito sa tatlong talampakang taas [3ft. inches] ng kanilang higaan.

Ayon sa ama ng munting anghel na si Rolando De Vera, iniwan niya ang sanggol kasama ang ina nito si Bensie De Vera na natutulog upang bumili muna ng diaper sa kalapit tindahan.

Makaraan nito, umuwi siya at napansing wala na ang sanggol sa kanilang hinihigaan kaya naman dali-daling ginising ang ina ng biktima at sinugod agad ito sa Sta. Teresita Hospital.

Ngunit, huli na ng kanila itong dalin sa nasabing pagamutan. Idineklara na patay na ang sanggol sa oras na 9:45pm.

Nagtamo ang sanggol ng mga galos at pasa sa bahagi ng katawan nito. Bukod dito, basag din ang kanang buto sa ulo ng nasabing sanggol.

Samantala, todo pagdadalamhati ang ina at ama, kasama na ang iba pang mga kaanak dahil sa sinapit ng bata.Rochelle Placino at Elmar Cundangan (trainee)


 #April@2012

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento