Lunes, Abril 16, 2012

Binatilyo, nalunod sa La Mesa Dam, PATAY!



Isang binatilyo, 16, ang binawian ng buhay matapos malunod sa La Mesa Dam noong Abril 16, Lunes.

Ayon sa police report na ginawa ni SPO2 A. Quisumbing, walang pahintulot na tumawid ang sampung binatilyo, na maliligo sa nasabing Dam, kasama ang nasawing binata.

Kinilala ang biktima na si John Lester Galan, na resident e ng 036 Group 6, Samar St. Bgy. Payatas, Quezon City.

Hindi pa man nagtatagal, ibinalita ng isa sa mga kasamahan ng biktima kay Romana Galan, ina ng binatilyong nalunod, ang kinahinatnan nito. Agad namang ipinagbigay alam ito sa awtoridad at Security personnel ng La Mesa Dam Water Reservoir.

Samantala, natagpuan ng Maritime Coast Guard Frogmen at Maritime Group PNP-NCR ang bangkay ng binata bandang alas 12:16 kahapon ng hating gabi. Napag-alaman din sa imbetigasyon na walang external injuries na tinamo ang binata, kundi pagkalunod lamang ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Elmar Cundangan at Rochelle Placino (trainee)


#April2012

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento