Huwebes, Abril 12, 2012

Matandang lalaki, na-hit and run sa QC




CAMP Karingal, Quezon City – Isang hindi pa rin nakikilalang lalaki, ang na-Hit and Run sa E. Rodriguez Jr. Avenue, Brgy. Ugong Norte, Quezon City, noong Abril 12, Huwebes.

   Patay agad ang biktima, nasa 55-65 ang edad, sanhi ng pagkakadagit ng isang sasakyan na hindi pa rin alam kung sino ang nagmamaneho, maging ang plaka nito, na agad na tumakas matapos ang aksidente.

   Ayon sa imbestigasyon ng Quezon City pulis, ang matandang lalaking biktima ay tumatawid sa naturang lugar, noong siya ay tumatawid direksyong pa-timog bandang 12:45 A.M ng Huwebes.

   Samantala, nagtamo ng matinding pinsala ang biktima, na siya namang agad na ikinamatay nito. Ang walang-buhay na katawan ng matanda ay dinala sa Prime Funeral, Commonwealth Avenue Quezon City.

   Kasalukuyan pa ring iniimbistigahan at inaalam ng mga pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at maging kung sino ang nakasagasa rito. Elmar Cundangan at Rochelle Placino (trainee)

#April2012

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento