Lunes, Abril 16, 2012

Chop-Chop na katawan, natagpuan sa QC



Patuloy ang pag-iimbestiga ng Quezon City Police ukol sa pagkakatagpo ng hiwahiwalay na katawan ng isang lalaki sa naturang lungsod.

Ayon kay SPO3 Eden Pascua, natagpuan ni Romulo Ecat, isang village official, ang kaliwang binti parte, may burdadong tattoo ‘Boogie Ventura’, sa San Mateo Rd. Batasan Hills bandang alas-6 ng umaga.

Dagdag pa nito, ang natagpuang chop-chop na parte ng katawan ay nakabalot sa garbage bag.

Samantala, nakakita rin si Clixto Alberto ng kanan at kaliwang parteng braso, na nakabalot rin sa isang garbage bag,  sa Saturina St. Brgy Sauyo naman, 10 kilometro lamang ang layo nito sa Batasan Hills.

Hinala ng pulisya ng Quezon City, ang naturang chop-chop na bahagi ng katawan ay nabibilang sa katawan ng isang lalaki. At patuloy pa rin ang imbestigasyon, kung ang dalawang magkakahiwalay na chop-chop na katawan ay nanggaling sa iisang biktima ng murder. (Elmar Cundangan)

#April2012

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento