Miyerkules, Mayo 9, 2012

Chinese nationals, nilooban, 2.2M natangay!

MAG-INANG tsino ang pinagnakawan ng 'di kilalang suspek habang wala ang mga ito sa loob ng kanilang condo unit sa lungsod ng Quezon, hapon ng Martes.

Agad na humingi ng sakslolo ang biktimang si Michelle Chan, matapos malaman mula sa kaniyang ina, Betty Chan, ang panloloob sa kanilang tinutuluyan sa Unit 1404 Landsdale Tower Brgy. Paligsahan, ng naturang lungsod.

Ayon sa dalaga, tinangay ng manloloob ang ilan sa kanilang alahas, nakalagay sa vault, na nagkakahalagang 2.2 milyong piso kasama ang travel passort niya at ng kanyang ina.

Bukod pa dito, nabanggit din ng biktima na mula alas-9 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi ng martes ay wala sila sa kanilang tinutuluyan kaya't madaling napasok ng mga magnanakaw ito, kahit na ito ay nakakandado.

Ayon naman kay Betty Chan, nadatnan na lamang niya ang kanilang unit na magulo at sira ang kandado ng pinto. Dagdag pa niya, pwersahang ibinukas ng manloloob ang vault na kinalalagyan ng mga alahas na nalimas ng mga ito.

Patuloy ang pag-iimbestiga ng pulis, hanggang sa kasalukuyan, sa naganap na insidente at hinahanapan ng gamit na maaaring magtukoy sa mga nanloob doto. Elmar Cundangan (Intern)

#May2012

Driver sa QC, inasinta Patay!



Sawi ang isang ginoo matapos asintahin ng bala ng  ‘di kilalang suspek sa  Brgy. Manresa Lungsod ng Quezon,  bandang alas-3 hapon ng Lunes.

Nakatambay ang biktimang si Ronald Aquino, 34, driver, residente ng Matutum St., sa naturang lugar nang siya’y tambangan.

Ayon kay Manuel Teves, saksi, biglang sumulpot ang ‘di kilalang suspek at tinawag ang biktima sabay asinta rito.

Dagdag pa niya, sinubukang tumakbo ng biktima palayo sa pinangyarihan ngunit, hinabol din siya ng suspek bitbit ang ginamit na baril

Agad namang nabalitaan ni Doralyn Aquino, maybahay ng biktima, ang insidenteng nangyari sa kanyang kabiyak, kaya’t mabilis niya itong pinuntahan at isinugod sa Sta. Teresita General Hospital ngunit, binawian din ng buhay nang marating ang natural pagamutan.

Nagtamo ng biktima ng tama ng bala ng baril sa kaniyang dibdib at tiyan.

Samantala, nakatagpo ng apat na basyo ng gamit na bala ng .45 calibre sa pinangyarihan ng insidente. Elmar Cundangan (Intern)

#May2012

Ginang sa QC, sinaksak ng Ka-live in, Patay!

ISANG ginang ang patay matapos tadtarin ng saksak ng kanyang ka-live in sa kanilang tahanan sa lungsod ng Quezon, bandang alas-2 ng madaling araw, kahapon.

Apat na taon nang nagsasama ang biktimang si Beth Domingo,45, at ang ka-live in nitong si Joemar Garcia, 59, suspek, parehong residente ng Brgy. Holy Spirit ng naturang lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, magkasama ang biktima at ang anak nitong si Joan Embisan sa kanilang bahay nang biglang lumitaw at walang anu-ano'y pinagsasaksak ng suspek ang biktima.

Matapos iyon, agad na tumakbo palayo si suspek Garcia, bitbit ang patalim na kumitil sa buhay ng kapareha.

Sa kabilang banda, naisugod pa sa Far Eastern University Hospital ang bigtim upang lapatan ito ng lunas ngunit, agad din itong binawian ng buhay bandang alas-4:30 umaga, kaparehong araw.

Samantala, ayon sa anak ng biktima, nagpahiwatig ang suspek ng intensyon upang magkaayos ang dalawa matapos magkaroon ng 'di pagkakaunawaan ngunit 'di tinanggap ng biktima.

Sa kasalukuyan, ang hindi pagkakasundo ng dalawa ang tinitingnang motibo ng pulisya sa insidenteng nangyari. Elmar Cundangan (Intern)

#May2012

Helper, natagpuang patay sa paradahan sa QC!



PATAY ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng ‘di kilalang suspek sa lungsod ng Quezon, kahapon ng madaling araw.

Ang biktma ay kinilalang si Jefry Zarceno, 35, helper sa isang paradahan sa Fairmont Subd. North Fairview ng naturang lungsod.

Ayon kay Fely Songun, amo ng biktima, pupuntahan niya ang kanyang pampasaherong sasakyan na nasa naturang paradahan nang makita niya ang katawan ng biktima na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo, kaya’t agad siyang humingi ng tulong sa pulisya.

Bukod pa rito, nabanggit din ni Songon, hindi niya nabalitaan na naungkat sa away ang biktima simula noong siya ay namasukan sa kaniya.

Nagtamo ang ang helper ng ilang saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Samantala, patuloy pa rin ang pag-iimbestga ng QCPD pulis ukol sa nangyaring insidente. Elmar Cundangan (Intern)

#May2012

1 Patay, 1 Sugatan sa Barilan sa QC!




PATAY ang isang lalaki at sugatan naman ang asawa nito, matapos tambangan sa harap ng isang sari-sari store sa lungsod ng Quezon, bandang 8:30, gabi ng Linggo.

Bumibili ang mag-asawang biktimang sina Eduardo at Edna Trasmanio, 48 at 46, kasama ang kanilang anak, residente ng  No. 61-A Jonah St. Freedom Park 6, Brgy. Batasan Hills ng naturang lungsod, sa kalapit na sari-sari store sa kanilang lugar, nang sila’y pagbabarilin.

Ayon sa imbestigasyon, nakatayo ang biktimang si Eduardo, kasama ang mag-ina, sa harap ng tindahan nang biglang lumitaw ang tatlong ‘di kilalang lalaking suspek at pinagbabaril ang mag-asawa at mabilis na tumakbo palayo sa pinangyarihan.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Eduardo na siyang agad niyang ikinamatay. Agad namang isinugod ang biktimang si Edna sa FEU Hospital matapos itong tamaan ng bala ng baril sa kanang hita, kaliwang kamay at tuhod.

Samantala, tatlong kaha ng bala mula sa 9mm na baril at dalawang bala naman mula sa .45 calibre ang natagpuan ng mga pulisya sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang tunay namotibo ng nasabing pamamaril. Elmar Cundangan (Intern)

#May2012

Binatang 'di nakapag-enroll, Nagpakamatay!




Camp. Karingal-- Winakasan ng binata ang kanyang buhay dahil sa sobrang sama ng loob matapos mapagalitan ito ng kanyang ina kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Quezon.

Nakita ni Michelle Cruz, ina ng biktima, na nakabitin sa kahoy na pundasyon ng kisame ang katawan ni Le-an Michael Cruz,20,  gamit ang nylon cord sa silid-akaltan ng kanilang bahay sa 6 Rd. 33 Bgy. Project 6, Quezon City, matapos s'yang makaamoy ng 'di kaaya-aya.

Ayon sa ina mismo ng biktima, simula noong mapagsabihan nila ito ukol sa 'di pag-eenroll sa paaralan ngayong taon ay hindi na nila ito muling nakita pa.

Samantala, ayon naman sa imbestigasyon ng pulisya, ang katawan ng biktima ay unti-unti ng nabubulok. Elmar Cundangan & Rochelle Placino [trainee]

#May2012

Padre de Pamilya, Patay!



PATAY sa tama ng bala ang isang ama sa harap ng kanyang pamilya, sa No.33 Fatima St., Brgy. San Vicente, Quezon City, gabi ng Huwebes.

Kumakain ang biktimang si Vicente Valdez, kasama ang kanyang pamilya sa, ng hapunan sa naturang lugar, kanilang tahanan, nang siya'y tambangan.

Ayon kay Terisita Valdez, maybahay ng biktima, biglang pumasok ang 'di kilalalang suspek sa kanilang bahay at inasinta ang kanyang asawa sa iba't ibang parte ng katawan.

Dagdag pa niya, sinubukang habulin ng biktima ang suspek, kahit duguan na ito ngunit, bumulagta rin ito lagay na maraming dogo na ang nawala sa katawan nito.

Sa kabilang banda, kasabay ng panghihina ng biktima ay ang tuluyan na pagtakas ng suspek.

Agad namang humingi ng tulong ang asawa ng biktima kaya't agad na isinugad ang duguang katawan niti ngunit, agad na dineklarang dead-on-arrival pagdating sa East avenue Medical Center.

Samantala, nakatagpo ng isang gamiot na bala ng 'di kilalang kalibre ng baril. Rochelle Placino & Elmar Cundangan (INTERN)

#May2012